2.20.2008

T.T

Sobrang sama ng loob ko ngayon. Kaibigan na lang ata kakampi ko. Mapa-magulang..ewan ko na lang.
edit ko na lang bukas. Sobrang badtrip ko. Wala akong gana.

2.17.2008

toink

hay. pasok nanaman bukas. Sana matapos na 'tong school year na 'to. Lagi na lang pahirap. As usual, wala akong alam na assignment. Natapos ang weekend ng wala akong ginagawa. So, bukas, cramming nanaman. Ayus lang. Di nanaman bago sa akin yun. Nakakaraos ako sa ganong sistema. Kaya walang kwenta mga grades ko. Niyakap ko lang magdamag si Dooji at nag-pc. Nanood ng Memoirs of a Geisha. Maganda pala yun. Hehe..
Yun lang ata magandang nangyari ngayong araw.


Letse pa 'tong pc. Kuya ko kasi eh. Kunga ano ano sigurong pornong website ang pinupuntahan kaya nagkaroon nga jaymyka.wen9.com yung titile ng kada window. Sabi nga ni Diding, malamang virus yon. Nangyari na din daw kasi yun sa pc nila dahil sa pinsan niya. Puteak. Karamihan daw kasi sa mga ganong websites, may spyware at adware na kasama. Peste talaga.


Di pa din ako dinadalaw ng antok.
Tinatamad na akong mabuhay.
haha..


Hay..

2.16.2008

Letsugas na manamisnamis.

Putakte. Dami nga namang kamalasan sa mundo ngayon oh.
di ko maisa-isa...
Absent ako ngayon sa NAT review. Ayun, hindi kasi ako pinayagan. Sakto namang may quiz sila at recorded. Ok lang naman sana eh. Kaya lang 130 ITEMS!!! Kumusta naman yun diba. Iyak tawa ako. Putek. Tapos sa Bio pa?? Ayup!! Malamang walang excuse excuse dun. Kasi di naman yun regular class. Kaya 0/130 ako. Ang ganda naman nun. Parang tae. Ang BAHO!!

Tapos ang gulo pa dito sa bahay. Walang kapayapaan. Lagi naman eh.

Isa pa. Mamatay ka na!! Letsugas ka. Akala mo naman kung sino ka. Sampalin ko kaya yang toncils mo!? Putek. Muka kang KULAGO. Alangang kulangot, alangang kulugo!
Wala kang silbi!

Ang init ng ulo ko ngayon. Sana matapos na 'tong araw na'to.

Nakss. Penk.

patawa yung Layout ko. Kulay penk. haha. Wala na kasing ibang template na walang kapareha. Palibhasa walang nagtatangkang gumamit nito. Pink kasi.

Di pa kasi ako sanay gumawa ng sariling layout eh. Sana matuto naman ako. Kaya lang pano matuto kung walang nagtuturo.. Divah!?

Oo nga pala. nakalimutan kong ikwento, nakuha ko na si Dooji!! Nung February 13, 2008. Bandang 6 ng hapon.
Sa wakas!! May sarili na akong gitara.
Hindi nga lang ako marunong. Hehe. Kapal ng mukha bumili eh noh. Di pala sanay.
Binigyan din nga pala ako ni Kuya Nat(nagtitinda sa DonJon)ng pick. Since naging close kami kahit sa maikling panahon, binigyan niya ko. Medyo nakakahiya kasi kinuha pa nya yun sa bracelet niya. Sinira pa nya yung bracelet para makuha yung pick. Nakak-tatas naman. Hehe

Wala lang.

haha. Mukhang ginaganahan akong magtype ngayong araw ah.
Malungkot kasi.

O sya, uulitin ko pa yung notebook ko sa Bio.
sana magOl si Diding maya.

bye..

new look.

haha. ayan.. bagong gupit ako. nagmukha lalo tuloy akong bakla.
ang tamad ko. Hahaha. kasi ang layo ng mga pagitan ng mga post ko.
Wala namang iba. Malungkot lang ako ngayong araw. Ang daming maling akala. Nanaman. Sana matapos na 'tong school year na 'to. Para makalipat na ko. Nakakapagod kasi. Nakakasawa. Kaya lang mamimiss ko mga tao dito. Nakss. Pero talaga. Mamimiss ko yung kakaulitan naming lahat. Mga abno kasi mga taong un eh. lalo na sila Diding.

Nga pala, nung valentines day na napakawalang kwenta na pinagsuot kami ng red t-shirt na wala lang pala, nagusap kami ni Czarlaine sa oval. Pareho pala kami ng nararamdaman. May mga bagay na napapansin namin pareho. Ayoko na lang magsalita. Mahirap na. Pero nung araw na yon na may sinabi ako sa kanya sa sobrang pikon ko, ganon di pala nararamdaman niya. Hindi naman kasi lahat ng bagay alam ng isang "HENYo" eh. At least may napagsabihan ako ng sama ng loob ko.
salamat Diding..

Ngayon, sobrang imbyerna talaga. Naasar ako sa sarili ko.. Ewan ko kung bakit. Lakas ng tupak..

Hindi ko mapaiyak si Dooji.
Hangang hawak na lang.
Di ako marunong.
Nkakalungkot.
Pag marunong na ako, yun na lang solusyon ko sa problema.
May magagawa ako para makalimot.


Sana matapos na.

2.12.2008

PauL

hehehe.. Si Paul. Ang batang idol. Na feeling.. Joke.
Ewan ko ba dun sa nilalang nayun. Parang ogag na di mo mawari. Natuwa lang naman kami sa itsura nyang mukhang itlog eh ayun, nagfeeling na..haha. Sama ko naman. Di na nga.
Lalo tuloy lumalaki yung ulo nyang mala-itlog.


Bwahahaha..
Masaya naman ako ngayong martes.
pano nakakita nanaman ako ng bagong libro. Naelibs ako sa cover. Ang ganda putek. Cover pa lang parang maganda na yung laman eh. Hahaha. Sana lang mabasa ko yun. Mukhang madami kasing manghihiram pag nakita nila yun eh.
patawa din eh..Nabasa ulit namin ni Czarlaine yung banal na libtro ni Paulo Coelho. Nakanangtokwa't baboy. Yung bandang huli. Ayun. ang ganda naman ng resulta..


"Onse..tira tira onse..."

Diyos me..

wala lang..hehehe
ang tamad ko magpost. Kakatuwa. Tinatamad ako. Pero ang dami ko sanang kwento.
Badtrip ako sobra.simula pa lang kahapon. Late na nga ako, sobrang cramming pa sa Algebra. Badtrip din ako sa grades ko. MUntik na eh. Merit na sana. Pesteng Stats at Math yan oh. Yung Math mukhang ok lang eh,natural na mababa ako dun, kaya lang yun Stats, ewan ko na lang. Malamang ano..
Nakakapikon talaga.
Congrats nga pala kay Nicole Alezandria Nethercott!!!ayeee..may merit sya..
Ayun.
May good news naman kahit papaano.
Malapit ko na makuha yung gitara ko. Bwahahaha.. mayayakap na din kita DOOJI!!! Bwahaha..
tawang tawa ko. So, bukas, baka kunin na namin ni Nicole yung gitara namin. Harhar.. Makikita na rin namin ang DonJOn. Mga tindero, at si Kuya Nathaniel. Sana nga lang maalala na nya pangalan ko.
Awooh,,Awoohh..

2.02.2008

lapit na

halooo..
Nung magka-chat kami ni Diding kanina, may sinabi syang kanta sakin kung gusto ko daw lumigaya. Yun nga lang, di lang ako napaligaya... hehehe

Nakaurat na nakakatuwa na nakakaadik na nakakabaliw na nakakasabog.
"Each Time The Wind Blows
I Hear Your Voice So I Call Your Name . . .
Whispers At MorningOur Love Is Dawning
Heaven's Glad You Came . . ."
Kasi naman kasi....
February na... Malapit na..

NAT Review.

Nakanangtokwa. May pasok kami ngayon! Estupid..

May review kami sa NaT. Tae naman oh. 3 oras derecho MATH!!!!Biruin mo yun.. kagago naman. Nagmukha ng pancake yung pwet ko sa tagal ng oras..ehem Leo..pwet daw
Wala si Nicole. Awww. Di kami nakompleto. haha. Ok lang. Masaya din naman. Medyo inantok ako nung una pro di nagtagal. Mabilis yung oras ng English. 2 oras lang eh. Nagsagot lang kami ng exercises at konting discussion. Pakner ko si Tomi-Nae. Mabait yung teacher namin sa English. Pwedeng magmadre..haha. La lang.
Pagkatapos nun, punta kami nila Diding sa oval. As usual, masaya. Nagkwentuhan kami sa buhay-buhay ng bawat isa. At umamin si Leo. Natatae daw sya. Bwahahaha. Mahangin. masaya. haha...
sa mga oras na 'to, wala na ko kachat pwera kay Noy
nag-out na si Diding, Jonice, kuya Dan, saka si Kuya Ichigago.

Bukas uLit..
la wetz.

Hmmm..hhaha

Hahahaha. Kabago-bago ko, tamad na kagad. Tinamad ako eh. Ano ba meron. Wala naman. Natawa lang ako sa paligid. Daming rebelasyon. Daming kontrobersiya. Hahaha..
Nung friday, Feb. 02, 2008


madami akong nalaman. Ang tsotsorba. May nalaman lang naman akong admirer ni Saint Ely..Gusto ko sanang sabihin, "crush mo yun??Gagu yun ah. Di mo alam?". Kaya lang wag na. Baka patayin ako nun eh. Masaya naman at Badterp. Ang baba ko sa Stats..Takte. Ok na sana yung Math eh. Tapos panira yung Stats. Di ko alam kung accurate ba yung computations dun. Basta.
Bio din. Ang baba. Nakakapikon ang pagaaral. Langya.
Kung pwede na lang sanang tumigil ng pagaaral eh no.


Masaya naman kasi may na-meet akong kaibigan kagabi. I-nadd nya lang ako sa Friendster tapos nagcomment. Hanggang nagka-chat na kami. Ang saya nya kausap. Awooohh..Close na kami kagad kahit unang araw pa lang. Wala lang. Nakakatuwa lang sya..Parang baliw na sabog. Ichigago daw itawag ko sa kaiya..Ganda no..
Meron pa. Hahahaha..Kagabi. Wala lang.XD

May review kinabukasan. Dilubyo. Pahirap... Tae!!


*Diding, sorry dun sa nauna kong Post.hehehe