3.02.2008

ang tagal

sobrang tagal ko yatang di ginalaw 'tong Blog ko.
sobrang dami ding kwento. Hay buhay..
madami atang kamalasan..ang daming kaliluhan. Nakakaasar, nakakainis, nakakapikon, nakakayamot, nakaka-urat.
Daming nangyari. Lalo na sa Honesty
Feb. 19, 2008
(Birthday ni Phil)
..di ko makalimutan yan. Sobrang malas.
May naging insidente kasi nung umaga sa isa naming teacher. Gaya ng kinaugalian, may kantahan at batian.(batian??). Ayun, tapos gumulo. Malamang nagalit yung guro. Tapos nagbigay ng parusa. Madaming naghinanakit at nagalit. Isa na ko dun. Pagdating naman nung hapon, sumobra yata kami ng ingay. Nagalit si Sir at yun, biglang sumabog. Ang dami na kasing nagiingay, dumagdag pa yung mga kaklase naming may kanya kanyang gawain nung Oras na yun. So, para sa mga teachers, nabastos sila. Biglang nagalit si Sir at tumahimik ang lahat. Nagturo ng mga tao na hindi nya nagustuhan yung ugali nung araw na yun.
at biglang ngawalk-out. Patay..di na daw sya adviser namin.
Dumating si Ma'am Castolo at nagsabi na ng mga hinanain. Umiyak yung iba pero kami ni Ira, tawa pa din tawa..Yung iba kasi ang o-Oa..parang nasabugan ng bituka kung makaiyak.
Sinabi na nila yung sama ng loob nila. Hindi na ko sumali kasi wala lang. wala kasi ako masabi
.Kinabukasan naman, naayos din. Naging matamlay nga lang yung iba.
Dami pa ding problema.
Putek. Gusto kong magmura. Ang dami talagang conyo sa mundo. Sabi ng mga kaibigan ko, dapat lumaban ako. Pero di ko magawa kasi inuunahan ako ng takot. Takot ako sa kanila. Kahit alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Wala naman talaga. Mga conyo kasi. Kaya makikitid. Ang utak. Hehehe. Kung gusto nilang siraan ako o kung ano bahala sila. Pero sa tingin ko tignan nila mga sarili nila. Kung tinatamaan ka bahala ka. Ngayon, nakikita ko na at nakikilala ko na mga tunay kong kaibigan. Nauunawaan ko na din na hindi lahat ng kaibigang nakikinig ng problema mo eh mapagkakatiwalaan. Sa tingin ko, pili na tlaga ang mga tunay na kaibigan ngayon. Hinahayaan ko na sila, pero pag napuno ako, mga Putakate kayo. Baka pag sumabog ako, magsisi kayo.
*salamat din sa mga tunay kong kaibigan na tumutulong sa akin.
magulo din pamilya ko ngayon. Nung nakaraang linggo ag pinakadelubyo kong linggo. Ang daming awayan a bangayan. Lahat galit. Napansin ko na ding madalas akong masermonan. Halatang halata na na may paborito sa amin. Tuwing may hihingin ako, hindi pwede. Pag naman yung kuya ko, pwedeng pwede. Nakakaasar lang. Kasi problema na nga sa School, pag dating sa bahay ganon din. Nakakasawa din. Pero wala naman ako magawa.
Kay Czarlaine at Ira ko lang madalas makwento yun. Pag Math time naman, madalas may session kami ni Ira sa gilid. Nagkkwentuhan kami tungkol sa malungkot na buhay.
Sobrang sama ng loob ko sa pamilya ko. Lalo na sa kuya ko. Madalas kong gawin yung mga Projects nya pero wala man lang akong Thank you. Madalas, inaaway pa ako.
Hanggang dumating sa punto na pati si DOOJI, sirain nya. Ayoko ng alalahanin pero di maiwasan. Sobrang mahal na mahal ko yun. Ayoko ngang magasgasan yun tapos dudurugin lang ng kuya ko. Malungkot..Sobra.
Hindi ko man lang natugtog ng maayos si Dooji, namatay na sya. Ganon talga yata ang buhay.

2.20.2008

T.T

Sobrang sama ng loob ko ngayon. Kaibigan na lang ata kakampi ko. Mapa-magulang..ewan ko na lang.
edit ko na lang bukas. Sobrang badtrip ko. Wala akong gana.

2.17.2008

toink

hay. pasok nanaman bukas. Sana matapos na 'tong school year na 'to. Lagi na lang pahirap. As usual, wala akong alam na assignment. Natapos ang weekend ng wala akong ginagawa. So, bukas, cramming nanaman. Ayus lang. Di nanaman bago sa akin yun. Nakakaraos ako sa ganong sistema. Kaya walang kwenta mga grades ko. Niyakap ko lang magdamag si Dooji at nag-pc. Nanood ng Memoirs of a Geisha. Maganda pala yun. Hehe..
Yun lang ata magandang nangyari ngayong araw.


Letse pa 'tong pc. Kuya ko kasi eh. Kunga ano ano sigurong pornong website ang pinupuntahan kaya nagkaroon nga jaymyka.wen9.com yung titile ng kada window. Sabi nga ni Diding, malamang virus yon. Nangyari na din daw kasi yun sa pc nila dahil sa pinsan niya. Puteak. Karamihan daw kasi sa mga ganong websites, may spyware at adware na kasama. Peste talaga.


Di pa din ako dinadalaw ng antok.
Tinatamad na akong mabuhay.
haha..


Hay..

2.16.2008

Letsugas na manamisnamis.

Putakte. Dami nga namang kamalasan sa mundo ngayon oh.
di ko maisa-isa...
Absent ako ngayon sa NAT review. Ayun, hindi kasi ako pinayagan. Sakto namang may quiz sila at recorded. Ok lang naman sana eh. Kaya lang 130 ITEMS!!! Kumusta naman yun diba. Iyak tawa ako. Putek. Tapos sa Bio pa?? Ayup!! Malamang walang excuse excuse dun. Kasi di naman yun regular class. Kaya 0/130 ako. Ang ganda naman nun. Parang tae. Ang BAHO!!

Tapos ang gulo pa dito sa bahay. Walang kapayapaan. Lagi naman eh.

Isa pa. Mamatay ka na!! Letsugas ka. Akala mo naman kung sino ka. Sampalin ko kaya yang toncils mo!? Putek. Muka kang KULAGO. Alangang kulangot, alangang kulugo!
Wala kang silbi!

Ang init ng ulo ko ngayon. Sana matapos na 'tong araw na'to.

Nakss. Penk.

patawa yung Layout ko. Kulay penk. haha. Wala na kasing ibang template na walang kapareha. Palibhasa walang nagtatangkang gumamit nito. Pink kasi.

Di pa kasi ako sanay gumawa ng sariling layout eh. Sana matuto naman ako. Kaya lang pano matuto kung walang nagtuturo.. Divah!?

Oo nga pala. nakalimutan kong ikwento, nakuha ko na si Dooji!! Nung February 13, 2008. Bandang 6 ng hapon.
Sa wakas!! May sarili na akong gitara.
Hindi nga lang ako marunong. Hehe. Kapal ng mukha bumili eh noh. Di pala sanay.
Binigyan din nga pala ako ni Kuya Nat(nagtitinda sa DonJon)ng pick. Since naging close kami kahit sa maikling panahon, binigyan niya ko. Medyo nakakahiya kasi kinuha pa nya yun sa bracelet niya. Sinira pa nya yung bracelet para makuha yung pick. Nakak-tatas naman. Hehe

Wala lang.

haha. Mukhang ginaganahan akong magtype ngayong araw ah.
Malungkot kasi.

O sya, uulitin ko pa yung notebook ko sa Bio.
sana magOl si Diding maya.

bye..

new look.

haha. ayan.. bagong gupit ako. nagmukha lalo tuloy akong bakla.
ang tamad ko. Hahaha. kasi ang layo ng mga pagitan ng mga post ko.
Wala namang iba. Malungkot lang ako ngayong araw. Ang daming maling akala. Nanaman. Sana matapos na 'tong school year na 'to. Para makalipat na ko. Nakakapagod kasi. Nakakasawa. Kaya lang mamimiss ko mga tao dito. Nakss. Pero talaga. Mamimiss ko yung kakaulitan naming lahat. Mga abno kasi mga taong un eh. lalo na sila Diding.

Nga pala, nung valentines day na napakawalang kwenta na pinagsuot kami ng red t-shirt na wala lang pala, nagusap kami ni Czarlaine sa oval. Pareho pala kami ng nararamdaman. May mga bagay na napapansin namin pareho. Ayoko na lang magsalita. Mahirap na. Pero nung araw na yon na may sinabi ako sa kanya sa sobrang pikon ko, ganon di pala nararamdaman niya. Hindi naman kasi lahat ng bagay alam ng isang "HENYo" eh. At least may napagsabihan ako ng sama ng loob ko.
salamat Diding..

Ngayon, sobrang imbyerna talaga. Naasar ako sa sarili ko.. Ewan ko kung bakit. Lakas ng tupak..

Hindi ko mapaiyak si Dooji.
Hangang hawak na lang.
Di ako marunong.
Nkakalungkot.
Pag marunong na ako, yun na lang solusyon ko sa problema.
May magagawa ako para makalimot.


Sana matapos na.

2.12.2008

PauL

hehehe.. Si Paul. Ang batang idol. Na feeling.. Joke.
Ewan ko ba dun sa nilalang nayun. Parang ogag na di mo mawari. Natuwa lang naman kami sa itsura nyang mukhang itlog eh ayun, nagfeeling na..haha. Sama ko naman. Di na nga.
Lalo tuloy lumalaki yung ulo nyang mala-itlog.


Bwahahaha..
Masaya naman ako ngayong martes.
pano nakakita nanaman ako ng bagong libro. Naelibs ako sa cover. Ang ganda putek. Cover pa lang parang maganda na yung laman eh. Hahaha. Sana lang mabasa ko yun. Mukhang madami kasing manghihiram pag nakita nila yun eh.
patawa din eh..Nabasa ulit namin ni Czarlaine yung banal na libtro ni Paulo Coelho. Nakanangtokwa't baboy. Yung bandang huli. Ayun. ang ganda naman ng resulta..


"Onse..tira tira onse..."