3.02.2008

ang tagal

sobrang tagal ko yatang di ginalaw 'tong Blog ko.
sobrang dami ding kwento. Hay buhay..
madami atang kamalasan..ang daming kaliluhan. Nakakaasar, nakakainis, nakakapikon, nakakayamot, nakaka-urat.
Daming nangyari. Lalo na sa Honesty
Feb. 19, 2008
(Birthday ni Phil)
..di ko makalimutan yan. Sobrang malas.
May naging insidente kasi nung umaga sa isa naming teacher. Gaya ng kinaugalian, may kantahan at batian.(batian??). Ayun, tapos gumulo. Malamang nagalit yung guro. Tapos nagbigay ng parusa. Madaming naghinanakit at nagalit. Isa na ko dun. Pagdating naman nung hapon, sumobra yata kami ng ingay. Nagalit si Sir at yun, biglang sumabog. Ang dami na kasing nagiingay, dumagdag pa yung mga kaklase naming may kanya kanyang gawain nung Oras na yun. So, para sa mga teachers, nabastos sila. Biglang nagalit si Sir at tumahimik ang lahat. Nagturo ng mga tao na hindi nya nagustuhan yung ugali nung araw na yun.
at biglang ngawalk-out. Patay..di na daw sya adviser namin.
Dumating si Ma'am Castolo at nagsabi na ng mga hinanain. Umiyak yung iba pero kami ni Ira, tawa pa din tawa..Yung iba kasi ang o-Oa..parang nasabugan ng bituka kung makaiyak.
Sinabi na nila yung sama ng loob nila. Hindi na ko sumali kasi wala lang. wala kasi ako masabi
.Kinabukasan naman, naayos din. Naging matamlay nga lang yung iba.
Dami pa ding problema.
Putek. Gusto kong magmura. Ang dami talagang conyo sa mundo. Sabi ng mga kaibigan ko, dapat lumaban ako. Pero di ko magawa kasi inuunahan ako ng takot. Takot ako sa kanila. Kahit alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Wala naman talaga. Mga conyo kasi. Kaya makikitid. Ang utak. Hehehe. Kung gusto nilang siraan ako o kung ano bahala sila. Pero sa tingin ko tignan nila mga sarili nila. Kung tinatamaan ka bahala ka. Ngayon, nakikita ko na at nakikilala ko na mga tunay kong kaibigan. Nauunawaan ko na din na hindi lahat ng kaibigang nakikinig ng problema mo eh mapagkakatiwalaan. Sa tingin ko, pili na tlaga ang mga tunay na kaibigan ngayon. Hinahayaan ko na sila, pero pag napuno ako, mga Putakate kayo. Baka pag sumabog ako, magsisi kayo.
*salamat din sa mga tunay kong kaibigan na tumutulong sa akin.
magulo din pamilya ko ngayon. Nung nakaraang linggo ag pinakadelubyo kong linggo. Ang daming awayan a bangayan. Lahat galit. Napansin ko na ding madalas akong masermonan. Halatang halata na na may paborito sa amin. Tuwing may hihingin ako, hindi pwede. Pag naman yung kuya ko, pwedeng pwede. Nakakaasar lang. Kasi problema na nga sa School, pag dating sa bahay ganon din. Nakakasawa din. Pero wala naman ako magawa.
Kay Czarlaine at Ira ko lang madalas makwento yun. Pag Math time naman, madalas may session kami ni Ira sa gilid. Nagkkwentuhan kami tungkol sa malungkot na buhay.
Sobrang sama ng loob ko sa pamilya ko. Lalo na sa kuya ko. Madalas kong gawin yung mga Projects nya pero wala man lang akong Thank you. Madalas, inaaway pa ako.
Hanggang dumating sa punto na pati si DOOJI, sirain nya. Ayoko ng alalahanin pero di maiwasan. Sobrang mahal na mahal ko yun. Ayoko ngang magasgasan yun tapos dudurugin lang ng kuya ko. Malungkot..Sobra.
Hindi ko man lang natugtog ng maayos si Dooji, namatay na sya. Ganon talga yata ang buhay.

No comments: