hahaha. Anong konek nung title ko..
Sobrang exciting nung araw ko kahapon..Kaya sisimulan ko ang pagkwekwento sa pangyayari kahapon..
01.30.08
third day ng sportsfest. Syempre, antok mode nanaman kami nila Diding. Nung bandang umaga, medyo boring, kasi as usual, kailangang magpatatak ng attendance sa SCO at maghintay hanggang 4 ng hapon. Nakauniform ako nung dumating pero since ang daming nakacivilian, nagpalit din ako afterlunch. Tumamabay kami nila Meng, Nyx, Czar sa oval pampalipas oras. Tapos nung nainip, nanood kami g men's volleyball. Takte ang init, kahit umaga. Thanks sa payong na unknown ang owner. Pink vs. Yellow. Patay. Expected na nandon si Saint Ely. Pero wala. Buti naman. Ayun, di ko alam kung sino nanalo. Basta nanood ako. Exciting naman yung game.
Nung naghihintay na kami sa basketball, nagbadminton naman kami ni Nicole. Ayus. Naggain nanaman ako ng skill point. hahaha. parang Sims lang ah..At mukhang nabawasan ako ng 20 pounds dahil sobrang kinarir ko yung laro namin.
Yun na..malapit na magstart yung basketball na Black vs. Red. Kasama sana namin si Leo kaya lang sumama siya kila Ayla. Oks lang naman..
Pagdating namin sa court, nagsimula na yung basketball. Nakahanap naman kami ng magandang pwestong masisilungan..
Magaling ang lahat pero ayun, natalo ang Black team. Medyo badterp si Dan kasi pagod. Saka umitim din daw siya ok lang yan Vince. Kahit gano ka pa umitim, mas maputi ka rin sa akin
awooooohhhhhh!
eto na..
galak na galak ako ung hapon.
pagkatapos ng game nila Dan, may dumating na ibang team. bwahahah!!May nakita lang naman akong kakaiba. Malaking ano.yung mga malisyoso dyan ahh..iba yung tinutukoy ko.Basta yun na yun.. Nadiskubre kong marunong din pala siyang magbasketball.
enough for that..
eto na talaga!!
Nung nagdisisyon kaming magpapirma na ng OUT sa SCO sa volleyball court, namataan ko siyang nagvvolleyball. At nung pumila na ko, sakto!!nyahaha..Tinamaan ako nung bola na tinira nya. Natawa ako kahit masakit. Nanghina din kasi sa wrist tumama. Nagsorry sya at ako naman, dedma lang. Bwahahaha!!! Gusto ko sanang sapakin eh. Kaya lang ang taba niya pati yung...Bwahahha!!
oo nga pala..
mukhang galak na galak si Czaine kahapon. Gumana kasi yung mahiwang Reloj..Sa mga nakakaalam, yun na yun. Sa mga hindi, bhala kayo..XD
01.31.08
Absent ako ngayon. Pana ba naman, paggising ko kanina, may nakita akong kung anong tumubong bagay sa mata ko. Medyo may sinat din ako kaya i na lang ako pumasok. Natulog na lang ulit ako at nagising ng bandang mga alas-10 ng umaga. Binalak ko sanang maghalf-day kaso tinamad na ko. Isa pa, wala lang..
Humarap na kagad ako sa pc kasi natukso ako. Wala akong magawa kasi malamang, walang naka-OL. Si ate Valerie lang(fourth year Entre). Hindi din daw sya pumasok. Nagtanong lang sya kung bakit ako absent at kung shortened daw ba. Sandali lang kami nagkachat kasi kinonggratulate niya lang ako.
Wala talaga akong magawa kaya nagtyaga akong tapusin yung The Impossible Quiz pero di ko pa rin matapos. Potek..Inabot ako ng ilang oras. Nung napikon na ko, nagbasa na lang ako ng mga blog. at yun. nainspire ako sa kanila. kaya gumwa na lang ako!
Tapos bigla na lang nagOL si Diding. Nagulat ako. Kasi 3 pa lang yun. So, akala ko shortened sila. Nagsend ako ng mes. pero di sumagot. Naghintay ako pero wala talaga..Biglang nagout. Tapos nagOL pa din..nagout ulit. paulit ulit kaya natakot ako..
Sino kaya ang misteryosong nagbukas nung account nya. Imposible na sya yun. kasi di ganon yung oras ng uwian nila. Ewan. Baka naman si Tita Helen naks..close kami. Teka, tama ba??
Baka nga. Gabi na..Kachat ko ngayon si Aljon, Dan at Czarlaine.
wala na ko makwento..
geh..
No comments:
Post a Comment